Federal Goverment

ANG SAMPONG PUNTO NG PIDERALISMO

1. Ang kapangyarihan ay hahatiin sa pagitan ng Sentrong Pideral na estado at ng mga Estado Rehiyunal mula sa ibat ibang lugar ng ating kapuluan, at tatawagin itong “ Federal Rebublic of the Phlippines –REBUBLIKA PIDERAL NG PILIPINAS,at gagawing sa lalong mas medaling panahon Magiging epektiboito sa itatakdang araw na siyang araw din ng paghihinto ng nasyunal na pamahalaan. Ang kapangyarihan, tungkulin, responsibilidad, at pananagutan ng unitaryong pamahalaan na nakasulat sa ating kasalukuyang batayang batas-konstitusyon at nararapat na iabot/ipasa sa pamahalaang pideral. Hindi kasabay nito ang permanenteng paghinto ng operasyon ng KOSTITUSYUNAL KOMISYON na parehong pantay sa pahalaang pideral na ilapat ang kanilang mga tungkulin

2. Parlamentaryong pagbubuo ng Pamahalaan Di gaya ng presidensyal na kabuuan ng pamahalaan , magiging modelo ang sitemang pideral ang parlamentaryong kabuuan ng pamahalaan..ang Pangulo sa republikang pideral ay ang punong kintawan ng Estado,at ang punong ministro ay ang punong kinatawan ng Pamahalaan.

3. Ministriya – ang mga kabinete ay tatawaging MINISTRIYA . ang punong ministro na punong kinatawan ay siyang punong tagapamahala sa ministriya. Papalitan nila ang mga kagawarang mula sa kinabuuan ng presiddensyal na Sistema. Kasama sa ehekutibo sangay ang mga ministro na humahawak ng TIYAK(fixed)na ministriya , kagaya ng ministriya ng katarungan ministriya ng rehiyunal na pamahalaan, ministriya ng edukasyon,at ministriya ng turismo at iba pa. kasama din nitong mga ministriya ang MInistriya ng internal at local na pamahalaan.
Bukod sa kanila, kasama din ang kostitusyunal komisyon at iba pang ahensiya ng pamahalaan.mananatili rin sa tanggapan ng presidente ang ibat ibang mga usapin gaya ng usapang pangkapayapaan, muslim affairs, overseas at iba pa. mananatili rin ang mga konstitusyunal komisyon gaya ng serbisyong sibil, commission on election, at komisyun ng karapatang pantao..
4. Pantay na hatian ng kayamanan- base sa probisyon na ibinigay sa general appropriations act, ang pambansang paglalaan ng badyet ay magbabase sa popolasyon ng naturang lungsod at mga barangay nito. Ang 80% ay direktang mapupunta sa gobyerno nasyunalat ang natitirang 20% ay ang mapupunta sa local na pamumuno.
Dahil dito hindi nagagampanan ng local na pamahalaan ang kanilang mga proyekto na dapat sanay magamit sa pagsisirbersyo publiko, gaya ng mga iprastraktura, edukasyon, kalusugan, at tulong pinansyal para sa industriyalisasyun ng estado Nakikita natin ang pakay ng pamahalaan na ayon sa kanila ay nararapat lang na mapag isa ng kabuuang kita ng ibat ibang local na pamahalaan upang pantay ang mailalaan sa mga kagawaran nito .ngunit kung ating tingnang maigi, ang Sistema at proceso sa paglalaan ay napakabagal sapagkat dumadaan pa ito ng deliberasyon sa kongreso. Dahil dito mabagal din ang makinarya at operasyon ng ating pamahalaan.at hindi magiging ligtas sa korapsyon ang mga naiimbak na kayamanan mula sa buwis at mga kita nito sa serbisyo.
Sa ilalim ng pamahalaang pideral , nararapat lang na may ipapasang batas na maglalayon sa hatian na 75-25 na pagalagda,Sa internal revenue allotment sa bawat local na pamahalaan. 75% nito ay mapupunta sa local at upang pundohan ang mga programa sa industriyalisasyon ng estado at mga karapatang sibil.at ang natitirang 25% ay mapupunta sa punong centrong estado ng pideral para sa tunay na paglalaan ng pambansang kayamanan.

Walang katotohanan ang sinasabing mababalda ang operasyon ng pamahalaan kung maging ganito ang hatian. Kahit nasa local na pamahalaan ang mas malaking parte ay makikipagtulungan pa rin ang governo sentral sa pamamagitan ng kanyang ministriya, at ng llocal na pamahalaan upang mailapat ng tama , payak at epektibo , at paghahatid ng serbisyo ekonomiko.

5. Pantay na representasyon sa SENADO (upper house) Ang asalukuyang probisyon sa lehislatibong kagawaran sa batayang batas sa 1935, 1975 at 1986 Hindi nililinaw kung tagasaan ang mga nagpapapili bilang senador , nagreresulta ito ng hindi pantay na representasyon sa senado. Kung ating titingnan , ang mga representante sa senado ay nagmumulasa Luzon, kung saan ang makinarya ng propaganda ay nakabase sa maynila.napakadali para sa mga taong magpapapili na impluwensyahan ang mga botante sa visayas at Mindanao . hindi nakkatagal ang mga tatakbong senador galling sa visayan at Mindanao dahil sa kalamangan ng mga taga Luzon.
Dahil ditto, nararapat lamang pipili lamang tayon ng tig dalawang senador sa bawat estado upang tuldukan disproporsyon sa representasyon. Pag naitayo na ang sistemang pideral , ang mga senador ang bubuo sa parliament , kung saan sila ang maghuhusga sa mga batas na ipapasa Mula sa lower house at usapan sa pagitan ng pamahalaang pideral at ng dayuhang bansa

6. Pagtatayo ng administratibong hukuman at rehiyunal na kataas taasang hukuman-nararapat lang na maglikha ng administratibong hukuman upang making at maghusga sa mga kasong ng mga opisyal na lumabag sa batas. Tutulongan ito ng tanggapan ng ombudsman na maghahain ng kaso. Ang korte ng pag aapila ay nararapading likhain sa bawat estado rehiyunal upang siyasatin at maghuhukom ng mga kaso mula sa mababang korte. At ang mga katas taasang hukuman ay nararapat na likhain sa tatlong malalaking kapuluan, Luzon , visayas at Mindanao.. at ito ang magiging mga pinal na korte na magsisiyasat at maghuhukom sa mga kasong mula sa KORTE NG PAG AAPILA.

7. BAWAT ESTADONG REHIYUNAL– ay may sariling konstitusyon upang pangalagaang ang sariling kapakanan at usapin alinsunod sa pambansang kaunlaran .gayunpaman ang mga naturang konstitusyon ay sumasang ayon din sa konstitusyon ng pamahalaang pideral.sa pamamagitan ng rehiyunal na konstitusyon, sila ang magtatakda ng rehiyunal na salita, awit at simbolo.

8. TAMANG KWALIPIKASYON NG MGA MAGPAPAPILI-ng pangulo o punong ministry ng republika
Upang tamang malapatang ng soulusyon ang mga suliranin ng bansa, kailangan ang realistikong pagpili ng kandidato ng pagkapangulo o punong ministro na bansa. At hindi sapat na marunong lamang sumulat at magbasa sapagkat hindi biro ang pagseserbisyo ng bansa lalo na sa matataas na level ng usapin. Para sa magpapapiling pangulo, na itinulak ng nga kanila partido, kailangang dumaan na ito ng pagkagobernador ng estadong rehiyunal , sapagkat doon pagbabasehan ang kanyang galling sa pamamahala sa kanyang karanasan upang piliing maging pangulo. Hindi sapat ang mga karanasan ng pagiging ministro, kongresista, senador,o pagkamayor, sapagkat ang nasabing tatlo ay nailagay lamang sa mga espisilong mga katungkulan, bukod nito, nakalimita lamang ang kaniyang karanasan sa isanglungsod o syudad. Patungkol sa ministro, pipiliin ito base sa kwalipikasyon na itatakda ng konstitusyon.
Ang ideya nitong panukala , ay hindi ibig sabihin na walang karapatan ang iba upang magpapiling pppangulo. Dapat nating isa alang alang na sa atin nangagaling ang pag sang ayon sa dapat na ilagay upang tayoy pamunuan,pagkat sila ang magiging instrumento ng pagkakaisa at pagbabago
9. PUNO AT TULOY TULOY DEBOLUSYON SA LOKAL NA PAMAHALAAN
Ipagpatuloy pa rin ang implementasyon ng loval government code of 1991 upang epektibong pangalagaan at pamunuan ang batayang serbisyong di kaya ipatupad ng pamahalaang pideral sa mga mababang lebel , kung saan itoy itinalaga sa mga local na pamahalaan upang makinarya para kaunlaran
10. PAGPAPATUPAD NG KAPANGYARIHANG REPERENDO
Kung mayroong pampublikong mga opisyal na tapat na nagseserbesyo base sa itinalaga sa kanya ng batas, may ilan din namang nagpapasaway. Marami sa kanila ang di maiwasan, na hindi epektibong mamuno sa ating bansa. Pwede silang kaagad matanggal sa pamamagitan ng reperendo. Hahawakan ng Komisyon ng Eleksyon , ang kaganapan at pwede nilang tanggalin ang publikong opisyal sa pamamagitan ng “ VOTE OF NO CONFIDENCE” at ang tamang average ng botohan ay itatakda ng batas ng pamahalaang pideral